Paalam Matt... anak koh... bebi koh... kaibigan koh...

Saturday, October 22, 2005


" mahirap magpaalam sa isang taong napalapit sa puso moh... mahirap isiping wala ka na... mahirap siyang pakawalan... pero wala ka nang magagawa kundi magpaalam... "

cguro sa ibang tao isa lang siyang ordinaryong player sa oz... si matt aka C3l3st?ne... kapatid ni ate dolly... maniniwala ba kau kung sinabi kong anak q sya sa oz? at pareho lang kming 16? hehe kakatuwa noh? pero cguro kahit pareho lang kmi age tinuring q xang parang anak koh at isang kaibigan....

naalala koh... siya ang nagiisang lalaking anak q sa oz... kasi 7 sila... si powder_angel, chelanne18, ashanti, jh0ana, at si c3l3st?ne... nung una kumpleto pa kaming 8 sa oz... magkukulitan pa yang magkakapatid... :) bilis ng panahon... dati pra kming mga bata walang paki sa mundo... hanggang isa isang naging busy.. hanggang wala nang natira... :(

minsan pag nagooz aq nakikita q yan si matt.. papahug pa nga aq sa kanya eh... tatawanan lang nya aq at sasabihin ' nandyan ka pala momi ' tapos kikiss q pa yan... hehe dati tinank nya na din aq sa ro... adik kasi yan sa ro sobra.. papa config nga ng bot nya skin eh... may utang pa nga me sknya 3k hehe...

hay... ang bilis talaga ng panahon...

nalaman ko kay ate dolly, kapatid nya... na patay na xa... dahil sa leukemia... pero dahil daw sa brain... gulat na gulat aq... di ako makapaniwala... wala na si matt... wala na xa... :( sabi pa ni ate.. mas ok na daw na ganun... kasi di na xa nahihirapan... at nasa better place na xa... cguro dpat maging masaya din aq para sknya... pero mahirap tanggapin.. na ang taong dati ko lang kausap at kakulitan ay wala na...

alam ko sa oz lang kami nagkakilala... pero sobrang natouch nya buhay q... cguro d aq iiyak ng ganito kung di talaga xa importante... pero sobrang mahal q xa bilang kaibigan at cguro "nanay-nanayan" nya sa oz... :( mahirap isiping wala ka na... mahirap... di ko matanggap... pero kelangan...

kung nasan ka man ngaun matt... sana masaya ka... sana kasama mo si Tatay sa taas... ^_^ hanggang sa muling pagkikita matt... bebi koh... kaibigan koh... anak koh...

nagmamahal...
momi kat moh... ^_^

May Sadyang Bagay na hindi Sinasadya

Tuesday, October 11, 2005

" Bakit kailangan magtiis sa ayaw naman gawin? Bakit kailangan manatili kung nais din namang umalis? Bakit kailangang ipakitang may interes sa isang bagay na wala pala? Bakit kailangan magpanggap para lang mapasaya ang iba? Bakit pinipilit kalimutan ang hindi naman kaya? Bakit sinadya kung hindi naman sinasadya?... "

Minsan sa buhay, meron tayo ninanais gawin... pero di natin magawa dahil sa mga humahadlang... anu anu nga ba ang mga humahadlan? ang ating kapaligiran... ang tao na nakapalibot dito... at kadalasan ang sarili natin ang nagiging hadlang sa ating pangarap...

Ang tanging pangarap koh sa buhay ay makapagtapos, makahanap ng trabaho, maging masaya kasama ang minamahal at nagmamahal sa akin... simple lang diba? pero ang process nito ay mas mahirap pa kaysa sa freefall ng physics, o ang standard deviation ng statistics, o cash flow ng accounting... kasi madaming problema na dadaan muna sa iyo bilang pagsubok.. sympre naman ang korny ng rollercoaster kung walang paikot at pababa diba? parang ganyan yun...

pero paano kung wala ka pa sa simula, inuunahan ka na agad ng problema? galing diba? ganyan ang mararansan mo (at siguro naransan na ng iba) pag nasa ika-apat na antas ka na sa mataas na paaralan ( fourth year highschool) lahat ng pressure na sa iyo na... mga exams sa school, entrance test sa iba't ibang kolehiyo, nagiisip kung ika'y papasa sa mga entrance, san ka papasok pag pumasa ka?, ikaw ba ay aakyat sa stage?.. at marami pa...

siguro sabi nga ng isang "gifted child" na si shaira luna ( pasensya po kung mali ang spelling ) ' parang pasan mo ang pangarap ng lahat ng tao ' ... parang lahat dapat ng expectations nila mabigay mo... eh pano kung pinapapasok ka ng kursong di mo gusto? eh panu kung pinapapasok ka sa kolehiyong di mo ninanais?

basta isa lang alam koh... susundin ko kung anu ang gusto koh... dahil walang sinumang tao ang magiging masaya sa bagay na pilit.... dahil walang magandang bagay ang nadudulot ng pilit ( Ms. Mai ^_^ )

~*~ katkat ~*~

trial

Sunday, October 09, 2005

Maling akala
Brownman Revival

INTRO
May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala

No'ng ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
No'ng ako'y naging binata, sa erpat ng syota ko
Ngayon ay may asawa, meron nang pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko

REFRAIN
'Di mo na kailangan mag-alinlangan
kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutan magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

CHORUS
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala
Asan na ba ako, kaninong kama 'to
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto
Naglayas sa bahay, akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil 'di nakapagtapos

[Repeat REFRAIN][Repeat CHORUS except last three words]

BRIDGE
May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
Sa maling akala, woh yeahSa maling akala
(maliit na butas lumalaki)
Ah ah, sa maling akala
(konting gusot, dumadami)
(Maliit na butas lumalakiKonting gusot, dumadami)

CHORUS
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, gumagrabe
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala