" Bakit kailangan magtiis sa ayaw naman gawin? Bakit kailangan manatili kung nais din namang umalis? Bakit kailangang ipakitang may interes sa isang bagay na wala pala? Bakit kailangan magpanggap para lang mapasaya ang iba? Bakit pinipilit kalimutan ang hindi naman kaya? Bakit sinadya kung hindi naman sinasadya?... "
Minsan sa buhay, meron tayo ninanais gawin... pero di natin magawa dahil sa mga humahadlang... anu anu nga ba ang mga humahadlan? ang ating kapaligiran... ang tao na nakapalibot dito... at kadalasan ang sarili natin ang nagiging hadlang sa ating pangarap...
Ang tanging pangarap koh sa buhay ay makapagtapos, makahanap ng trabaho, maging masaya kasama ang minamahal at nagmamahal sa akin... simple lang diba? pero ang process nito ay mas mahirap pa kaysa sa freefall ng physics, o ang standard deviation ng statistics, o cash flow ng accounting... kasi madaming problema na dadaan muna sa iyo bilang pagsubok.. sympre naman ang korny ng rollercoaster kung walang paikot at pababa diba? parang ganyan yun...
pero paano kung wala ka pa sa simula, inuunahan ka na agad ng problema? galing diba? ganyan ang mararansan mo (at siguro naransan na ng iba) pag nasa ika-apat na antas ka na sa mataas na paaralan ( fourth year highschool) lahat ng pressure na sa iyo na... mga exams sa school, entrance test sa iba't ibang kolehiyo, nagiisip kung ika'y papasa sa mga entrance, san ka papasok pag pumasa ka?, ikaw ba ay aakyat sa stage?.. at marami pa...
siguro sabi nga ng isang "gifted child" na si shaira luna ( pasensya po kung mali ang spelling ) ' parang pasan mo ang pangarap ng lahat ng tao ' ... parang lahat dapat ng expectations nila mabigay mo... eh pano kung pinapapasok ka ng kursong di mo gusto? eh panu kung pinapapasok ka sa kolehiyong di mo ninanais?
basta isa lang alam koh... susundin ko kung anu ang gusto koh... dahil walang sinumang tao ang magiging masaya sa bagay na pilit.... dahil walang magandang bagay ang nadudulot ng pilit ( Ms. Mai ^_^ )
~*~ katkat ~*~
May Sadyang Bagay na hindi Sinasadya
Tuesday, October 11, 2005Posted by katkat at 7:29 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment